Consulate General of the Philippines in Agana


The Consulate General

The Consulate General of the Philippines in Agana (Guam), established in 1945, is the principal representative of the Philippine Government in fostering closer and more mutually beneficial ties between the Philippines and the U.S. Territory of Guam.

A key thrust of its mission is to develop and sustain cooperation in various areas of interest to both the Philippines and Guam, including the promotion of trade, investments, tourism, cultural exchange, and people-to-people relations.

As the only Philippine foreign service post in the Western Pacific, it also is primarily responsible for protecting the interests and securing the welfare of its citizens not only on Guam, but also in the other states and territories under its consular jurisdiction, namely the Commonwealth of the Northern Mariana Islands, the Republic of Palau, the Federated States of Micronesia, and the Republic of the Marshall Islands.

Beyond providing consular services to Filipino residents on Guam, the Consulate General conducts regular consular outreach missions to serve the needs of the significant population of Filipinos in the islands of:

  • Saipan, Rota, and Tinian in the CNMI;
  • Koror in Palau;
  • Yap, Chuuk, Pohnpei, and Kosrae in Micronesia;
  • Majuro in the Marshall Islands

Ang Konsulado Panlahat

Ang Konsulado Panlahat ng Pilipinas sa Agana (Guam), na itinatag noong 1945, ay ang pangunahing kinatawan ng pamahalaan ng Pilipinas para sa higit na malapit at kapwa may benepisyo na ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at ang Teritoryo ng Estados Unidos na Guam.

Isa sa mga pangunahing sinusulong nito ay ang mapalawig at mapanatili ang kooperasyon sa iba't ibang larangan na may pakinabang pareho sa Pilipinas at sa Guam, kasama na rito ang pagsulong ng relasyon sa kalakalan, pamumuhunan, turismo, kultura at ugnayan sa kani-kanilang mamamayan.

Dahil ito ang nag-iisang Konsulado ng Pilipinas sa buong Kanlurang Pasipiko, ito rin ay may pangunahing tungkulin sa pagprotekta sa mga interes at pagtaguyod sa kapakanan ng mga Filipino hindi lamang sa Guam, kundi pati na rin sa iba pang mga nasasaklaw na lugar: ang Commonwealth of the Northern Mariana Islands, ang Republic of Palau, ang Federated States of  Micronesia, at ang Republic of the Marshall Islands.

Bukod sa Guam, madalas din na dumayo ang Konsulado Panlahat upang maghatid ng serbisyo konsular sa mga Filipino na naninirahan sa ibang isla:

  • Saipan, Rota, and Tinian sa CNMI;
  • Koror sa Palau;
  • Yap, Chuuk, Pohnpei, at Kosrae sa Micronesia; at
  • Majuro sa Marshall Islands

Functional Sections of the Consulate General



The Consular Section is in charge of providing an array of consular services to Filipino citizens and other relevant stakeholders, as well as plan and conduct consular outreach missions to other islands under the jurisdiction of the Consulate General.

Ang Consular Section ay siyang nagpapaabot ng serbisyong konsular para sa mga Filipino at iba pang mga kliyente, kasama na rin ang pagtaguyod ng mga consular outreach mission sa iba pang mga islang saklaw ng Konsulado Panlahat.




The Political and Assistance to Nationals Section interacts on a regular basis with government officials in Guam and in the other states and territories covered by the Consulate General, especially with respect to political developments, immigration concerns, and labor matters that have a direct impact on the Filipino population that they host. It also is responsible for protecting the rights and ensuring the welfare of Filipino nationals.

Ang Political and Assistance to Nationals Section ay regular na nakikipag-ugnayan sa mga opisyal ng gobyerno ng Guam at sa iba pang mga estado at teritoryo na pinanghahawakan ng Konsulado Panlahat, lalo na sa mga isyung may kinalaman sa pangyayaring politikal, imigrasyon, at migranteng manggagawa na direktang nakaka-apekto sa mga Filipino sa mga lugar na ito. Kasama din sa tungkulin nito ang pagpapangalaga sa mga karapatan at kapakanan ng mga Filipino.




The Economic and Cultural Section handles matters relating to trade, investment, tourism, and technology transfer promotion and facilitation, as well as cultural diplomacy and people-to-people interaction to promote greater understanding between the Philippines and its friends and partners in the Western Pacific.

Ang Economic and Cultural Section ang may hawak sa lahat ng bagay na may kaugnayan sa kalakalan, pamumuhunan, turismo, at teknolohiya. Hawak din nito ang diplomasyang pang-kultura at people-to-people interaction upang maitaguyod ang higit na pag-unawa sa pagitan ng Pilipinas at ang mga kaibigan nito sa Kanlurang Pasipiko.




The Community Affairs Section coordinates all the different engagements that the Consulate General has with its various stakeholder communities. This may include the participation of the Consul General, or any designated representative of the Consulate General, in a wide array of community events and activities. To be able to confirm our attendance, please make sure to coordinate at least six weeks in advance of your event.

Ang Community Affairs Section ay ang nagsasaayos sa iba't ibang pagdadaluhan ng Konsulado Panlahat na mga kaganapan sa pamayanang kinabibilangan nito. Bahagi nito ang pakikilahok ng Konsul Heneral, o ang itinalagang kinatawan ng Konsulado Panlahat, sa samu't saring kaganapan at aktibidad sa lipunan. Para matiyak ang aming pagdalo, mangyari lamang na makipag-ugnayan ng maaga pa sa anim na linggo bago ang takdang araw ng inyong pagtitipon.




The Administrative Section is in charge of managing all the administrative concerns and tasks of the Consulate General, including personnel rotation, financial obligations, communications, procurement, properties and records, and many other matters.

Ang Administrative Section ang tagapangasiwa ng lahat ng mga alalahanin at gawaing adminstratibo ng Konsulado Panlahat, kasama ang pagtalaga ng mga tauhan, mga obligasyon sa pananalapi, komunikasyon, pamimili ng mga kagamitan, pamamahala ng ari-arian at mga dokumento, at marami pang iba.