Sapote

Ang Sapote ay mula sa Mehiko, dala-dala ng kalakalang Galyon. Kahawig ng chico ang bunga nito, bagaman luntian ang balat at maitim ang laman. Luntian ang dahon nito sa buong taon.

Ang larawan sa post na ito ay hango sa librong "Flora de Filipinas" ni Padre Manuel Blanco, OSA, na unang nalimbag noong 1837.

 

Subaybayan ang seryeng ito araw-araw hanggang sa ika-31 ng Agosto 2020 dito sa website ng Konsulado Panlahat ng Pilipinas sa Agana (Guam) at sa aming  Facebook, Instagram, at Twitter.

 

Maligayang Buwan ng Wikang Pambansa at Buwan ng Kasaysayan!