Mabolo

Ang Mabolo ay kilala rin bilang Kamagong. Katutubo ang punong ito sa Pilipinas at tanyag sa tibay ng kahoy nito. Nakakain ang bunga nito, bagaman maamoy. Hulyo ang panahon ng pamumunga nito.

Ang larawan sa post na ito ay hango sa librong "Flora de Filipinas" ni Padre Manuel Blanco, OSA, na unang nalimbag noong 1837.

 

Subaybayan ang seryeng ito araw-araw hanggang sa ika-31 ng Agosto 2020 dito sa website ng Konsulado Panlahat ng Pilipinas sa Agana (Guam) at sa aming  Facebook, Instagram, at Twitter.

 

Maligayang Buwan ng Wikang Pambansa at Buwan ng Kasaysayan!