Ang puno ng Anonas ay kalat sa Pilipinas. Dala ito ng kalakalang Galyon mula Mehiko. Ito ay namumunga mula Mayo hanggang Hulyo. Gaya ng kapamilya nitong atis, nakakain ang bunga nito.
Ang larawan sa post na ito ay hango mula sa librong "Flora de Filipinas" ni Padre Manuel Blanco, OSA, na unang nalimbag noong 1837.
Subaybayan ang seryeng ito araw-araw hanggang sa ika-31 ng Agosto 2020 dito sa website ng Konsulado Panlahat ng Pilipinas sa Agana (Guam).
Maligayang Buwan ng Wikang Pambansa at Buwan ng Kasaysayan!
Balik sa Flora de Filipinas